"Kumikinang Na Gabi ng mga Pangarap" ni Castellan Madelin
Kumikinang Na Gabi ng mga Pangarap
Kinakabahan ako. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag hampas ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Kung tutuusin dapat masaya at tumatawa lang ako ngayong araw na ito. Sinong tao ba kasi kinakabahan sa kaarawan nila diba? Oo kaarawan ko ngayon, pero ngayon rin ang gabi kung kelan ko malalaman kung nanalo ba ako ng Tony Award para sa musical direction at costume design.
Di ko inakalang ako ay lilipad papunta ng New York. Hindi ko inakalang makakaupo ako sa Radio City Hall, nag-iintay matawag ang aking pangalan. Hindi ko inakalang makakatabi ko ang mga taong inspirasyon ko.
“Next is the award for the best costume designer! Let me tell you Roger, this is one of the awards that really get me going. I mean, there’s no better feeling for a stage actor or actress to walk out on stage with the best costume. “
Nagulat nalang ako sa malakas na boses ni Matthew Broderick. Ang boses ni Simba sa “The Lion King”, at isa sa mga host sa Tony’s Awards ngayong taon na ito.
“I’m sure Matthew. Now there’s no need to keep the nominees and audience waiting. Here are the nominees for best costume designer.” Ang sagot ni Roger, ang boses ni Hercules, at co-host ni Matthew. “And the first nominee for the best costume designer award is…”
Inintay ko buksan niya ang sobre. Kahit alam ko na isa ako sa mga nominee at kilala ko na kung sino ang aking kalabad, punong-puno parin ako ng adrenalin.
“William Ivey Long!” Ang sabay na saigaw ni Matthew at Roger.
Tumayo si William at nagpalakpakan ang buong Radio City Hall. Kumaway siya sa lahat ng tao at nagkatagpuan pa ang mga mata naming. Tumango lamang siya sa at umupo na siya. Mas lalo ako naganahan dahil mukhang kinikilala niya ako bilang kakompetensya.
“And the final nominee, huh, only two nominees? That’s a first. And the final nominee is Chester Joel A. Manabis!”
Tumayo ako at kumaway. Sinigurado kong Malaki at nakakaakit ang ngiti ko. Ayaw ko kasi makita nila na sobrang dami at halo-halong damdamin ang nararamdaman ko sa loob.
“And now, the winner, of the best costume designer award is…” Nag asaran pa si Matthew pati Roger na ayaw nila buksan yung sobre kaya pinpasa-pasa nila sa isa’t isa. Pinikit ko nalang ang mata ko sa kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Kung titignan ko ng maayos, parang sobrang impossible naman kung mananalo ako. Si William ilang taon na niya ginagawa ito at ilang beses na rin siya nanominate sa Tony’s. Gusto ko manalo pero bakit parang ang hirap paniwalaan.
“William Ivey Long!”
Kahit alam ko na na mangyayari ito, hindi ko parin napigilan ang tulo ng aking mga luha. Hindi ko parin napigilan ang sakit ng dibdib ko. Nakita ko umakyat si William sa stage at kinuha niya ang award. Muntikan na ako mapahiya sa pag-iyak ko.
“Uhhm, excuse me.” Lahat ng tao ay napatigil ng pagsalita at napatingin kay Matthew. “It looks like I made a mistake. The actual winner is Chester Joel A. Manabis. I accidentally read the nominee letter of William. Chester, will you please come up on stage.”
Ha? Ano yun? Ako yung nanalo talaga? Pagbukas ng aking mga mata, nakita ko lahat ng tao nakatingin sa akin. Dahan-dahan ako tumayo at umakyat sa stage. Pag-akyat ko ay nakita ko ang mahiyain na ngiti sa akin ni Matthew at Roger. Lumapit sa akin si William at inabot niya sa akin ang award habang nakangiti tapos bumalik siya sa upuan niya. Hindi ba siya galit?
“Congratulations Chester. It must be an amazing feeling winning your very first Tony Award, despite my embarrassing mistake.” Ang sabi sa akin ni Matthew. “It is. Even now I still can’t quite comprehend it.” Ang magaling na sagot ko sa kanya. Tumingin ako ulit sa award na hawak ko. Nung nakitako yung award, bigla akong nabuhayan. Lahat ng saya at galak ay biglang bumalik. Nanalo ako. Totoo toh.
“How about a few words?” Sinabi sa akin ni Roger. Binigay niya sa akin gang kanyang mic at humarap ako sa audience. Nung mag sasalita na ako, hindi ko na napigilan ang mga luha na bigla-bigla nalang naipon sa mata ko.“
“First of all, thank God I won.” Maraming nag tawanan. “Anyway, I would like to thank everyone who came here today. I would also like to congratulate William for an amazing challenge. Most of all, I would like to thank God and my family. They are the reason I made it here today. It’s an absolute honor to be here, and I’m very thankful I got to experience it. It’s almost fitting actually. The name tony means “fashionable”. It just feels perfect that I win a Tony for costume design. Once again, thank you everyone. Mabuhay!”
Pagkatapos, binalik ko ang mic kay Roger at bumalik na ako sa upuan ko. Hindi ko maitago ang totoong tuwa ko. Hindi maialis sa mukha ko ang malaking ngiti. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nanalo ako. Nagkatitigan kami ni William ulit at binigyan niya ako ng thumbs up. Mas lalo lang lumaki ang ngiti ko at nag thumbs up din ako.
“Well, Chester. I said a few words but that’s okay too I guess. Jeez.” Ang pabirong sabi ni Matthew. Maraming tumawa. Pati ako natawa eh. “Now, we get to move on to one of the most awaited awards tonight. The best in musical direction award!!!” Ang malakas na hiyaw ni Matthew at Roger.
Muli ako naganahan. Kung possible pala na manalo ako sa best costume designer, possible din ako manalo sa best in musical direction! Nakita ko binuksan ni Matthew ang unang sobre. “And the nominees are… Julie Taymor! Nominated because of her arrangement of Mulan.” Nakita ko tumayo si Julie at kumaway. Grabe ang bongga ng suot niya.
Sumunod naman si Roger sa pagbukas ng sunod na sobre. “The next nominee is… Harold Prince! With his revision of his all-time hit musical, The Phantom of the Opera!” Tumayo si Harold at nagpalakpakan ulit. Ang tanda na niya pero humihirit parin ng mga hit musicals. Grabe talaga ang mga talented.
Nakita ko binuksan ni Matthew ang huling sobre. Ayan na, tatawagin na ako! “And the final nominee is… oh wow, Chester Joel A. Manabis! With his, oh! The very first Filipino musical to hit broadway and be nominated for a Tony, Ang Huling El Bimbo!” Tumayo ako at nagpalakpakan ulit ang buong Radio City Hall.
Umupo ako ulit, sobrang kinakabahan. Ito na ang oras ng katotohanan. “And the winner, for the best in musical direction award, is…” Binuksan niya ang sobre at nakita ko nanlaki ang kanyang mga mata.
“Julie Taymor!” ang sabay na sigaw ni Roger at Matthew. Bumagsak ang aking mga balikat dahil akala ko talaga mananalo ako. Tinignan ko ang award sa kamay ko at nagpasalamat nalan ako at may napanalunan ako. Nakita ko umakyat si Julie Taymor sa stage at kinuha ang award niya.
Ang lahat ng sumunod pagkatapos nun ay hindi ko masyadong matandaan. Nung umalis na ang adrenalin sa katawan ko ay agad-agad sumunod ang pagod at fatigue.
Pagtapos ng Awards, nagkita-kita ang lahat ng mga tao sa after party. Pag pasok ko sa venue ay agad ako nilapitan ni William. “Congratulations on your award Chester. You’re lucky to have such talent at your ripe age.” Tumingin ako sa kanya at nahiya ako sa sinabi niya. “Thanks. I’m sorry about what happened awhile ago. I’m sure you deserved that award.” Ang sagot ko sa kanya.
“Being nominated means you deserve the award. We both got nominated, so we both deserve it. Period.” Ang sagot niya sakin. Nginitian niya nalang ako at kinamayan niya ako bago siya umalis. Bago siya makalayo sa akin, tumigil siya at lumingon siya sa akin.
“Don’t get comfortable though. I’m planning on winning next year.” Ang pahabol niyang sinabi sa akin. Ngumiti nalang ako at tumawa. “Then we’ll see each other again next year.” Ang sagot ko sa kanya.
Tunay na masaya ang aking kaarawan.
Comments
Post a Comment