"Ang Gabay" ni Montes

“Ang Gabay"

Unang araw ng klase, makikita ko na naman sila.
Masasaksihan ko na naman ang iba-t ibang emosyon.
Tawanan ng barkadahan, takot at hiya ng mga baguhan,
Saya at lungkot ng bawa’t isa.


Ganito lagi ang katayuan ko,
Isang tapat na saksi sa lahat ng mga galaw.
Ako ang hingahan ng sama ng loob,
Buntunan ng galit sa mapait na karanasan.


Nakasama ko na silang lumaki,
Unang araw pa lamang nila, ako’y nakabantay na.
Ramdam ko ang bawa’t luhang pumatak sa aking paanan,
Karamay nila ‘ko sa panahong pakiramdam na sila’y nag iisa at walang kasama.


Sa mga pagkakataon na nakita ko silang nahihirapan,
Naglalakad sa pasilyo: puno ng tension, nag-aalala at kinakabahan.
Determinadong pagbutihin ang pag aaral,
Upang makamit ang inaasam na tagumpay.


Lagi akong nandito, nakabantay,
Hindi man lang ramdam pero andito ako palagi.
Ako ay nakamasid lamang,
Habang patuloy sa pag abot nila sa mga pangarap sa buhay.


Ang mga batang ito ay ang ating kinabukasan,
Hinuhubog nila ang ating bansa sa isang mas mahusay na lugar.
Nakikita ko na ang pangarap ko’y kanilang ipinagpapatuloy.
Pangarap sa pagbabahagi ng kaalaman, para sa karamihan.


Labis akong natutuwa na kahit sila’y mawala na sa piling ko,
Alam ko na ako ang kanilang pundasyon.
Kaya ko na silang pakawalan,

Dahil alam ko na matibay na sila para ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Comments