"Ang Tahanan at Mundo" ni Castellan Madelin



"Ang Tahanan at Mundo"



Ang aking mundo ay kabigha-bighani.


Ito ay simple, tahimik, at puno ng anak ng Panginoon.


Ito ang undong aking natutunang mahalin.


Ito and aking pinakamamahal na tahanan.


Pero nang lumipas ang panahon,


Napansin ko na nagbabago ang aking mundo.


Unti-unting lumaki at nagging masmakulay ang aking tahanan.


Dumami rin ang mga anak ng Diyos dito.


Natuwa ako,


dahil pinagpala ako ng Ama.


Naging masmakulay ang aking mundo,


at dumami ang aking mga kaibigan.


Pero ng lumipas ulit ang panahon,


nagbago ang lahat.


Ang mundong aking labis na minamahal,


tila nagbago sa harap ng aking mga mata.


Ang kapayapaan at katahimikan dati,


ay napuno na ng ingay ng labi.


Labi ng mga anak ng Panginoon na ‘di man lang makapagbigay ng ‘walhati.


Unti-unting naubos and mga kibigan kong dati’y kayrami-rami.

Kung titignan mo ako ngayon ay para akong nakagulapay sa hirap.


Napakalapit ko sa mga tao sa aking paligid.


Sila ay nakaupo lamang, naglalaro, dumadaan, naglilinis, o nag-uusap,


ngunit ramdam ko ay sobrang layo nila sa akin.


Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.


Anumang sigaw para sa saklolo sa lumbay na ito ay walang nakaririnig.


Ang lungkot na dulot ng pagbago ng mundo,


ay ang dahilan kung bakit nasira ang aking tahanan.


Ang aking mundo ay malungkot.


Ito ay magulo, maingay, at naka-pagiisa.


Ito ang mundo na ako’y binigo.


Ito ang natitira sa aking tahanan.

Comments