"Kulay ng Dilim" ni Don Militon



“KULAY NG DILIM”

“Tanggapin mo na.  Susi lang ito.” Ito ang sinabi ng dating tauhan ng isang perya kay Andrea.  Hindi namalayan ni Andrea kung bakit siya nasa isang madilim na kwarto. Hindi rin niya alam kung para saan ang tinanggap niyang susi.
Hindi kumibo si Andrea; parang hindi siya nakahinga.  Gamit ang susi, binuksan niya ang pintong nasa likod niya.  Siya ay nasilawan na tila susunugin na ang kanyang mga mata.  
Nagulat sa siya sa kanyang nakita.
Dinala siya sa kakaibang mundo na kasinlaki lamang ng mansyon.  May mga kasambahay at mga kusinerong makukulay ang mga suot. Tuwang-tuwa si Andrea sa kanyang nakikitang paraiso.  “Nananaginip ba ako?”
Lumapit sa kanya ang isang katulong, suot niya’y kulay bughaw.  Hinawakan niya ang kamay ni Andrea, “Sumama ka sa akin.” Hindi tumanggi si Andrea, kaya sumama na lang siya.  
Ipinapasok siya sa isang kuwarto.  May eskaparate sa loob ng kuwarto, at wala nang iba.  Upang malaman ni Andrea ang laman ng aparador, lumapit siya roon at ito’y binuksan.  
Kasindak-sindak ang laman ng eskaparate.
Sa loob ay mga labi ng mga batang nakarating sa kanyang tinawag na ‘paraiso’.  Sila ay inabuso at pinaslang sa loob ng kuwarto na iyon. Walang bakas ng kahit na anong sugat sa katawan nila.
Sinubukan niyang lumabas ng kuwarto, ngunit ang pinto ay pinintura na lamang sa pader.  Hindi na siya makalabas. Hindi na niya alam ang gagawin.
Wala nang nabalitaan pa kay Andrea.

Comments