"Kung Nakapagsasalita si St. Gabriel" ni Mr. Yoso

"Kung Nakapagsasalita si St. Gabriel"



Kung nakapagsasalita si Gabriel, ano kaya ang masasabi niya?
Matutuwa kaya siya o malulugmok sa kanyang nakikita?
Mula sa mga taong mababait hanggang sa masasama
Tunay ngang kahanga-hanga ang pagkakaiba ng katauhan
Kahit gaano pa kasama ang mundo ngayon,
Tingin ko ang sasabihin ng anghel na iyon
“Ako ay masaya.”
Pero bakit kaya ganoon ang masasabi niya
Kahit puno na ang mundo ng kasamaan?


Sasabihin niya iyon hindi dahil gusto niya maging masama ang mundo
Ngunit dahil masaya siyang maraming pang nangangailangan ng kaligtasan
Dahil kung tingin ng tao ay perpekto sila
Hindi na nila kinakailangan pa ang Diyos
Siya ay masaya dahil sinunod niya ang utos ng Diyos
Na ipaalam kay Birheng Maria ang kanyang pagbubuntis
Dahil sa pagbubuntis na iyon, tayo ay nabigyan ng Tagapagligtas
Na dapat ay parusa at impyerno ang ating nirarapat
Ngunit ang buhay ng Diyos ay kanyang nilapat
Na kahit siya ay masaktan
Buhay mo lamang ay mapagaan


Ito ang tuwang nararamdaman ni Gabriel
Na magpapasabi sa kanya
“Ako ay masaya.”

Comments