"Nakatindig, Nakikita" ni Don Militon


"NAKATINDIG, NAKIKITA"

Ang gusaling itinayo sa lupaing ito
Ang lupaig binasbasan noong bagong siglo
Ang pagbasbas nito ay sadyang may ipinagtagpo
Tulad ni San Gabriel, Birheng Maria’y sinalubong.


Laging nakikita, laging nakakasalubong
Laging nakatanaw sa mga luma’t bago
Laging nagtataka, laging naitatanong,
“Kung ang anghel ay nagsasalita, anong sasabihin niya?”


“Diyos ko, Diyos ko! Ipinagpala tayo rito
Ang paaralang ito ay may nabubuo
Ang nabubuo rito ay araling puro
Purong natutunan, may paglalago.”


“Ang mag-aaral na ito ay may dalang prutas
Prutas na sariwang nakukuha sa mampipitas
Ang mga prutas na ito ay nagagamit
Ngunit ang iba ay nahuhulog, nabubulok.”


“Ilang taong nakatayo ako rito
Bilang butihing tagapagbanatay na bantayog
Nasisikatan ng araw, nababasa ng ulan
Mga tauhan ako’y hindi tiningnan”


“Sila’y lumilitaw, sila’y umaalis
Kabutihan ba nila’y ganoon din?
Sa saya at lungkot na aking nakikita
Tunay na kulay, nakatago pa.”


“Noong araw na iyon, ako’y nilapitan
Isang bago at butihing mag-aaral
Napagtanto niyang ako’y nakatindig dito
Tahimik na nagkrus sa harapan ko.”


“Ang mag-aaral na ito’y may busilak na puso
Nagbibigay luwalhati sa Panginoon
Makakakita pa ba ako ng katulad niya
Naglalaan ng oras sa kanyang Ama.”


“Tuwing ako ay nakikita araw-araw
Silang mga pagod, atleta, mag-aaral, at guro
Kanilang pagod ay napapawi tuwing ako’y sinasalubong
Iba pa’y nananalangin para sa bagong araw na ihahandog.”


“Makikita ko ngayong mas gaganda ang kanilang araw
Kung ako’y nakikitang nakatindig dito
Araw o gabi, sila’y nababasbasan
Sa kanilang mga gawain.”


“Pagsapit ba ng panahon, ako ba’y maglalaho?
Ako na ba’y tatanggalin na rito?
Paano ko makikita ang ngiti ng mga paslit


Kung ako naman ay ipagpapalit?”

Comments