"Panaginip" ni Sann lueez
PANAGINIP
Maaga ako pumasok kasi magsasama kami mamaya ng aking mga kaklase at tatambay sa bahay ko. Bandang tanghali natatae ako kaya kailangan kong tumae kaya dumeretsyo ako sa baba. Bandang hapon sama-sama kami ng kaklase ko pumunta sa bahay ko.
Pinakita ko ang aking motor kay dennis kasi kinukulit niya ako sa eskwelahan pa lang nagusto niya daw mag-wheelie sa motor ko. Nung una maganda ang nagawa niyang wheelie ako ay nagalak kasi hindi siya natumba pero nung inulit niya nag-skid yung gulong ng motor at bumalibag siya sa motor at nasira ang aking paboritong motor. lumipas ang oras at gabi na umiiyak ako sa nanay ko kasi iyon lang ang bagay na nagpapasaya sakin pero nasira na. Madaling araw na gising parin ako, Ako ay galit na gait kay Dennis kaya nag iisip ako ng paraan para makaganti sa ginawa nya. Naisip ko na sirain ko ang motor niya para makabawi siya sa nagawa niya sa motor ko.
Tanghali na ako nagising pumunta ako sa bahay ni Dennis na para bang magnanakaw ako ay tahimik na inakyat ang kanyang bahay nakita ko ang motor niya sa isang tabi at pinagbabambo ko ng bakal na dala ko nag-alarm ang motor niya ako ay nataranta tumalon ako sa gate para makatakas at kasamaang palad nakita ko ang ex ko ako ay nainis ulit nilapitan ko siya at binatukan hinabol niya ako pero hindi niya ako makikilala kasi ako ay naka maskra. Pagkatapos nun pumasok na ako sa eskwelahan at kumalat kaagad ang ginawa ko pero walang nakakaalam na ako ang gumawa tinanong ko si Dennis kung alam na niya kung sino ang gumawa sabi niya hindi daw pero ni-report na daw nila sa pulis. galit nagalit si dennis sabi niya pag nakilala niya kung sino gumawa nun bubugbugin niya daw yun.
Ako ay natakot at sinabi ko sa nanay ko na magbakasyon muna kami sa ibang bansa kasi sabi ko nade-depress ako buti na lang pumayag ang nanay ko. Isang linggo na ako nandito sa Japan kasama ang pamilya ko nalaman na ni Dennis ang sumira ng kanyang motor tinanong ko kung sino sabi niya si Densel daw ako ay takot na takot buti na lang hindi ako yung sinabi niya. Masaya ako dito sa japan kasi ang sarap ng pagkain dito madami pang magagandang dilag pero kailangan ko ng umuwi para magaral ulit.
Dumating kami hapon na sa Pilipinas ako ay nagdala ng pasalubong sa aking mga kaklase. Pumask ako dala-dala ang aking mga pasalubong para sa aking mga kaibigan pero pag dating ko dun lahat sila masama ang tingin saakin lahat sila merong dalang armas ako ay natakot at tumakbo hinabol ako ni Dennis at tinawag niya ang aking mga kaklase at sinabi niya habulin ako kasi ako daw ang sumira ng motor niya tinanong ko siya paano niya nalaman sabi niya suot ko daw yung itim ko damit na may apelyido ko at kita daw sa cctv nila yung apelyido ko. Biglang na lang ako pinagbabato at tinamaan ako sa ulo ako ay nahilo sabi ko sa sasarili ko sana hindi ko na lang ginawa kasi bumabalik lang lahat ng ginawa ko. Nandilim ang aking paningin may nadidinig akong boses habang ako ay walang malay pagkamulat ng mata ko nakahiga ako sa aking kwarto tinignan ko ang sarili ko kung meron ba akong malalang sugot pero wala nagulat na lang ako isang panaginip lang pala lahat ng ngayareng noon. ako ay masaya kasi isang panaginip lang ito at bumalik ako sa aking dating gawi.
Comments
Post a Comment