"Papapel" ni Sann lueez

PAPAPEL


Nagsimula ang aking kwento sa isang munting puno sa loob ng gubat na aming tinitirahan ng aking mga kapamilya. Masaya kaming lahat ngunit isang araw sa kasamaang palad ang puno namin ay sinisira ng malalaking bagay. Ako’y nahilo at biglang nahimatay.


Pagising ko ako’y nasa isang makina kami ng aking pamilya. Kami ay hinihigop at pinutol-putol kami. Kami ay pinagdikit-dikit kasama ang aking mga patay na magulang. Ako nalang ang nagiisa sa aking pamilya marahil swerte ako dahil isa ako sa mga nabuhay pa at naging papel. Nakadikit sa labi ng aking pamilya ako’y sinama sa isang grupo ng mga ibebentang papel. Sa isang malaking tindahan na puno nga mga iba-ibang klase ng mga papel na katulad ko. Isang araw may isang higanteng lalake na lumapit sa akin at ako ay pinili sa aming mga kakagrupo. Ako naman ay natuwa sa kadahilanang ako ay kanyang pinili at makakaalis sa lugar nayun. Nilagay nya ako sa isang lalagyanan ako ay natakot dahil madilim duon. Ngunit nagulat na lang ako nung kinuwa niya ako.


Tapos ako ay kanya lamang ginagamit sa kanyang mga kasulatan gamit ang isang mahabang bagay at sa huli ako ay binaliwala lang nung ako ay tapos ng gamitin. ako ay nagging basura lamang dahil hindi na niya ako pinasa at nilagay sa lalagyanan ng mga pera ako ay tiniklop-tiklop niya para ako ay mag kasya duon. At duon na ako naging basura dahil hindi na ako gagamitin pa. ito ang aking kwento sa buhay gagamitin lang kung may gustong isulat pero hindi na papahalagayan. Pero ganito talaga ang buhay ng isang papel kaya wala na rin akong masasabi.

Comments