"Resibo" ni Mamasemamasamamakusa
RESIBO
Nagsimula ang aking karumaldumal at napakalungkot na buhay sa isang munting tindahan na tinatawag ng karamihan na ‘hintong maliit’ o sa lingguwaheng ingles naman ay tinatawag nilang ‘mini stop’ kung saan ako inilabas sa isang maliit na printing machine at kung saan rin ako ay pinagtatak-tatakan ng ink na ang nilalaman ay ang mga binili ng aking ama, mga barcode at ang address ng tindahan na ito. Kaya lang sa biglaang kasamaang palad, saktong pagkatapos ako tatakan ng mahahalagang marka ay agad-agad akong pinagpupunit-punit at pinagpasapasahan. Ngunit sa katuwaan ko naman ay pinasa ako sa aking ama, kung saan ako ay malubhang umaasa na ako ay kanyang pahahalagahan. Ngunit sa aking gulat naman ay ako’y kanyang dinurog at itinapon lamang sa mabaho at maruming basurahan. Yung tipong ang tingin nya saaken ay walang kuwentang bagay lamang. Minsan ang buhay talaga ay napakadaya. Nung una akala mo’y ika’y may importansya. Akala mo’y ika’y pahahalagahan. Ngunit dahil sa kasamaan ng mundong ating tinitirhan. Ikaw, oo ikaw. Ikaw na nagbabasa nito ay isang basura lamang. Kaya mga kaibigan kong mahal. Ingatan nyo ang inyong mga isip. Wag nyo agad isipin na ikay importante kasi sa ilang sandali lang ikay pwedeng maging, wala.
Comments
Post a Comment