"San Gabriel" ni Mamasemamasamamakusa
San Gabriel
Simula pa noon
Ako’y nandito na
Walang araw na lumipas
Umulan man o umaraw
Parang kailan lang
Araw araw nakikita
Mga chikiting na makukulit
Ngunit ngayon ay wala na
Di ko inakalang sila na pala yun
Mga nag-aasaran sa harapan ko
Mga naglalaro dito
Ngayo’y may kanya-kanya ng buhay
Comments
Post a Comment