Posts

Showing posts from July, 2018

Sampung Idyoma ni Mr. Yoso

SAMPUNG IDYOMA 1. Panis ang laway - Hindi nagsasalita; matagal na katahimikan ng isang tao -“Napanis ang laway ni Kimbert noong siya ay tinanong kung mayroon siyang asignatura.” 2. Ningas-kugon - Magaling lang sa simula; tamad -“Tila nagningas-kugon si Kimbert sa kanyang asignatura, kaya’t wala siyang naipasa.” 3. Pantay ang mga paa - Patay na -“Ang lolo ni Kimbert ay matagal ng nagpantay ang mga paa.” 4. Dalawa ang mukha - kabilanin; doble-kara -“Si Kimbert ay nasaktan noong makita niya ang dalawang mukha ng kaibigan niya.” 5. Ibaon sa hukay - kalimutan -“Napatawad ni Kimbert ang kanyang mga tropa, at ibinaon sa hukay ang mga nangyari.” 6. Balat-kalabaw - Mahirap makiramdam -“Ang ibang kaibigan ni Kimbert at balat-kalabaw sa mga matatanda.” 7. Taingang kawali - Nagbibingi-bingihan -“Paminsan-minsan, hindi ko maiwasan magtaingang-kawali mula sa masasakit na salita.” 8. Alog ba ang baba - Matanda -“Balang araw, si Kimbert ay ...

Idyoms ni Sann lueez

IDYOMS Magsaulian ng kandila – itigil na ang pagkakaibigan Agaw buhay - naghihingalo Anak pawis - magsasaka; manggagawa Balik harap - mabuti sa harapan, taksil sa likuran Bantay salakay - taong nagbabait-baitan Nagbabatak ng buto – nagtratrabaho ng higit sa kinakailangan Matigas ang buto - malakas Kidlat sa bilis - napakabilis Kusang palo - sariling sikap Daga sa dibdib - takot

Sawikain ni Mamasemamasamamakusa

SAWIKAIN 1.       Anak-pawis - Manggagawa, pangkaraniwang tao 2.       Asal hayop - Masama ang ugali 3.       Balat-kalabaw - Matapang ang hiya 4.       Balik-harap - Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran 5.       Balitang kutsero - Maling balita / Hindi totoong balita 6.       Bantay-salakay - Hindi mapagkakatiwalaan 7.       Mababaw ang luha - iyakin 8.       Mabigat ang dugo - di-makagiliwan 9.       Maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali 10.   Malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan

Sampung Idyomang Filipino ni Montes

SAMPUNG IDYOMANG FILIPINO Ilista mo sa tubig Makakalimutan rin Hindi mababayaran ang utang Itaga sa bato Ipinapangako o isinusumpa Hindi makabasag ng pinggan Mahinhin kumilos Buto’t balat Payat na payat Makapal ang bulsa Madaming pera Butas ang bulsa Walang pera Makati ang paa Mahilig sa gala Kapitbisig Pagtutulungan Bala’t-sibuyas Sensitibo o maiyakin Maitim ang budhi Masamang tao  

Sampung Sawikain ni Psyche

Sampung Sawikain Malakas ang loob -Matapang Makitid ang isipa -Mahinang umunawa Tulak ng bibig -Salita lamang, ‘di tunay sa loob Bungang-araw -Sakit sa balat Haligi ng tahanan -Ama, taggapag taguyod ng pamilya Magaan ng Kamay -Madaling manuntok Kabiyak ng Dibdib -Asawa Bantay-salakay -Nagbabait-baitan o nagpapanggap para sa pakinabang Bungang-tulog -Panaginip Bahag ang buntot -Takot o duwag

Halimbawa ng Sawikain ni Cassandra Belle

HALIMBAWA NG SAWIKAIN Abot-tanaw - Naaabot ng tingin Agaw-dilim - Malapit nang gumabi Alilang-kanin - Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo Amoy pinipig - Mabango, nagdadalaga Amoy tsiko - Lango sa alak, lasing Balik-harap - Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran Balitang kutsero - Maling balita / Hindi totoong balita Bantay-salakay - Hindi mapagkakatiwalaan Buto’t-balat - Sobrang kapayatan 10. Hampas ng langit - Ngitngit ng Diyos

"Papel sa Buhay" ni Psyche

“Papel sa Buhay” Ang pamilya namin ay simple lamang. Matayog,matibay,malakas na mga puno. Payapa lamang kaming namumuhay noon. Puno ng tawanan,pagmamahalan at kasiyahan. Hanggang isang araw, nagbago ang lahat. Nawala ang lahat ng saya at ngiti sa mga labi. Nabura ang lahat sa isang iglap. Nakita ko ang lahat. Nakita ko kung paanong walang awa nilang sinira at pinatay ang mga kapwa kong puno. Kung paanong walang pagdadalawang isip nilang hiniwa ang mga kaibigan ko. Hindi sila naawa. Pinatay nila ang aking pamilya. Maging ang mga bata ay kanilang pinatay at hiniwa ng walang kaawa-awa. Namulat ako, isang araw, isa na akong papel. Isang buong papel. Nakabalot na lamang sa isang plastik. Ang dating matikas at matayog na puno, ay isa na lamang malambot at pirapirasong papel. Minsan na akong nawalan ng pag-asa. Napaisip kung ano na lamang ang magiging halaga sa mundong ibabaw. Ito na ba ang katapusan? Wala na ba akong kwenta? Wala na ba akong silbe? Hihintayin ko na lamang dumating a...

"Band Aid" ni Cassandra Belle

"BAND AID"                 Magandang umaga po, ako po si Dr. Leon B. Daid at ito ang kwento ko kung paano ako nakilala si Andrea. Nagsimula ito nang tapos na akong nakapagpagaling sa pasyente, nakita ko ang isang pasyente na may mga kati at pasa sa kanyang mga binti.             Nagpunta siya sa klinika at naghintay siya hanggang sa susunod na siya. kapag siya ay susunod, dumating siya sa akin at sinabi sa akin kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi niya sa akin na siya ay may mga alerdyi at hindi sinasadya niyang matisod.             Sinimulan ko ang pagpapagamot sa kanyang mga pasa, ilagay ang mga bendahe sa kanya, upang makapagpapagaling ito sa kanya at maglagay ng pamahid sa kanyang mga kati niya.             Pagkatapos kong t...

"Wrapper ng Isang FriXion Pen Refill" ni Castellan Madelin

Kulungan Uh, hello… Pasensya na, hindi ako magaling sa pakikipagusap sa iba. Kung sabagay, matagal-tagal na rin ang lumipas mula nang wala na akong ibang nakita maliban sa loob ng bag ng nag mamay-ari sa akin. Ay! Oo nga pala, ang dami ko nang sinabi hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Frix. Ako ay wrapper ng isang friXion pen refill. Unawain niyo ako, at bigyan ng pagkakataong ibahagi sa inyo ang aking kuwento. Kay tagal ko nang nais maikuwento ito sa iba. Siguro masasabi ninyong ako ay nagmula sa isang malaking pamilya. Ang una kong alaala ay marami kaming magkakapatid. Lahat kami ay nanggaling sa iisang materyal, at lahat kami ay ginawa sa isang pabrika. Noong una, hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon, o bakit ako nabubuhay. Lahat ng ito ay nabago nang nakilala ko si Ink. Si Ink ay ang aking matalik na kaibigan. Siya ay kasama ko sa lahat ng bagay. Karamay sa lahay ng problema.  Binigyan niya ng halaga ang aking b...