"Wrapper ng Isang FriXion Pen Refill" ni Castellan Madelin
Kulungan
Uh, hello… Pasensya na, hindi ako magaling sa pakikipagusap sa iba. Kung sabagay, matagal-tagal na rin ang lumipas mula nang wala na akong ibang nakita maliban sa loob ng bag ng nag mamay-ari sa akin. Ay! Oo nga pala, ang dami ko nang sinabi hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Frix. Ako ay wrapper ng isang friXion pen refill. Unawain niyo ako, at bigyan ng pagkakataong ibahagi sa inyo ang aking kuwento. Kay tagal ko nang nais maikuwento ito sa iba.
Siguro masasabi ninyong ako ay nagmula sa isang malaking pamilya. Ang una kong alaala ay marami kaming magkakapatid. Lahat kami ay nanggaling sa iisang materyal, at lahat kami ay ginawa sa isang pabrika. Noong una, hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon, o bakit ako nabubuhay. Lahat ng ito ay nabago nang nakilala ko si Ink. Si Ink ay ang aking matalik na kaibigan. Siya ay kasama ko sa lahat ng bagay. Karamay sa lahay ng problema. Binigyan niya ng halaga ang aking buhay. Siya ay ang naging aking pamilya.
Nagkakilala kami noong kinolekta kami ng mga tao sa pabrika at inilagay sa isang malaking lalagyan. Ang bawat isa sa amin ay ipinares sa isang ink cartridge refill para sa friXion pen. At ito na nga, ako na ang susunod. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Magkahalong takot, saya, pagtataka, at kaba. Ako ay naguguluhan. Ngunit nang Makita ko si Ink, nagbago ang lahat. Lahat ng nararamdaman ko, ay nabigyan ng sagot. Pakiramdam ko ay nakatadhana kami para sa isa’t-isa. Parang, ang silbe ko sa buhay na matagal ko nang hinahanap, ay ibingay sa akin sa anyo ng ink cartridge.
Ang mga panahong kasama ko si Ink, ay ang pinaka masayang sandali ng aking buhay. Nagsisimula pa lamang ang aking buhay, pero pakiramdam ko ay naabot ko na ang aking pangarap. Nung kami ay nagkatagpo, may naramdaman akong koneksyon. At alam kong naramdaman din niya iyon. Ang mga oras na kasama ko siya sa pabrika, sa trak, maging sa lagayan ng National Bookstore, lahat ng iyon ay tunay na kasiyahan. Napagtanto ko na hindi na lamang saya ang nararamdaman ko sa pagsasama naming. Nararamdaman ko na minamahal ko na siya.
Hindi ako sigurado kung pareho ang nararamdaman ng aking mga kapatid, pero hindi na ito mahalaga pa. Nang makilala ko si Ink, wala nang ibang importante sa akin. Ni hindi ko nga napansin na nabili na pala kami. Ang tanging mahalaga na lamang, ay siya ang mundo ko, at ako ang kanya. Iyon ang akala ko.
Nakasanayan ko na ang laging nariyan para sa kanya. Na basta kasama ko siya, nasa paraiso ako. Hindi ko inisip na ayon pala ay magiging masama. Hindi ko naisip na ganitong sakit pala ang ibibigay sakin nito. Hindi ko inasahan na ang mahalin si Ink ay ganito kasakit. Hindi ko inasahan na nung ibinigay ko ang lahat ko para sa kanya, hindi pala niya balak gawin rin para sa akin. Bago ako makakilos, gumuho na ang aking mundo. Sobrang tuwa siya na siya na ang sunod na gagamitin ng nagmamay-ari sa amin. Okaylang sa kanya na iwanan ako. Hindi ko inakala na kahit ang samahan siya ang papel ng aking buhay, ang samahan ako ay ang hindi ang papel ng buhay niya.
Ngayon, magisa na ako. Nakalimutan na ni Ink, at siguro ng aking may-ari rin. Wala na ako sa paraiso. Nakakulong ako sa madilim na kulungan na ito. Nakakulong ako na hindi ko matanggal si Ink sa aking isip. Nakulong ako na wala akong magawa sa sakit at kawalan na kanyang iniwan.
Comments
Post a Comment