Sampung Idyoma ni Mr. Yoso

SAMPUNG IDYOMA



1. Panis ang laway
- Hindi nagsasalita; matagal na katahimikan ng isang tao
-“Napanis ang laway ni Kimbert noong siya ay tinanong kung mayroon siyang asignatura.”

2. Ningas-kugon
- Magaling lang sa simula; tamad
-“Tila nagningas-kugon si Kimbert sa kanyang asignatura, kaya’t wala siyang naipasa.”

3. Pantay ang mga paa
- Patay na
-“Ang lolo ni Kimbert ay matagal ng nagpantay ang mga paa.”

4. Dalawa ang mukha
- kabilanin; doble-kara
-“Si Kimbert ay nasaktan noong makita niya ang dalawang mukha ng kaibigan niya.”

5. Ibaon sa hukay
- kalimutan
-“Napatawad ni Kimbert ang kanyang mga tropa, at ibinaon sa hukay ang mga nangyari.”

6. Balat-kalabaw
- Mahirap makiramdam
-“Ang ibang kaibigan ni Kimbert at balat-kalabaw sa mga matatanda.”

7. Taingang kawali
- Nagbibingi-bingihan
-“Paminsan-minsan, hindi ko maiwasan magtaingang-kawali mula sa masasakit na salita.”

8. Alog ba ang baba
- Matanda
-“Balang araw, si Kimbert ay magkaka-alog baba na rin.”

9. Pusong mamon
- Malambot ang puso; maawain
-“Nararamdaman ni Kimbert ang pusong mamon ni DuBose.”

10. Magsunog ng kilay
- Mag-aral ng mabuti

-“Si Kimbert ay aminadong siya ay tinatamad na magsunog ng kilay, ngunit siya raw ay babawi mula rito.”

Comments