Posts

Showing posts from August, 2018

Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

"Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" ni Bob Ong Suring Basa ni PePito Mga Tauhan: Erap Nasa harapan ng Libro Uncle Sam Filipino Announcer Pinoy drivers Bus drivers Jeepney dirvers Nilalaman ng Akda: Sa harapan ng libro ang picture ni Uncle Sam at si Mayor Erap. Sa loob nanan ng livro baliktad minsan kasi baliktad ang mga Filipino. Ang tungkol ng libro na ito ay mga political and economic problems sa Philippines . Sa simula ang story na ito ay sa jeepney drivers naguusap sila ng mga usapang barbero, At mga problema. Simple lang daw ang mga Filipino. Ayaw nila ang na sobrang Grande ng buhay. Sila ay mga mabait at matulungin. Pero sa libro na ito may mga baliktad na sinabi. Sa libro kapag umaga dati ang Filipino daw ay gusto ng pandesal okay na daw sakanila. Sa gitna naman Nagtratrabaho sila para sa family nila. Kapag break nila gusto nila ng Tinapay kasi ito ay nakakabusog daw. Pagkauwi naman nila manoonood sila ng tv para ma pa...

Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

"Ang mga Kaibigan ni Mama Susan" ni Bob Ong Suring Basa ni Castellan Madelin PAMAGAT: Isa sa mga rason kung bakit ko ginustong basahin ang libro na ito ay dahil sa pamagat nito. Nung nalaman ko na mayroon isang libro si Bob Ong tungkol sa horror, naisip ko na gusto ko basahin yung libro na iyon. Hinanap ko ang mga libro ni Bob Ong sa internet at nung nakita ko ang pamagat na ito, nalaman ko na agad na ito yung libro na gusto kong basahin. Sigurado ako na ito yung libro ni Bob Ong tungkol sa horror dahil nakakatakot at “creepy” pakinggan ito. “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”, sino ba si Mama Susan? Sino yung mga kaibigan niya? Bakit ito ang naging pamagat ng libro? Ayun ang mga tanong na pumasok sa isip ko nung una kong nakita ang pamagat na ito. MAY AKDA Aamin ako. Bago ibigay sa amin ang “Activity” na ito, hindi ko kilala si Bob Ong. Ang kilala kong Bob Ong ay isang sikat na Twitter user na mahilig mag post ng mga “quotes” at mga hugot. Pero natutuwa ako n...

Macarthur

“Macarthur” ni Bob Ong Suring Basa ni Montes PAMAGAT Ang pamagat ng libro na binasa ko na isinulat ni Bob Ong ay ‘Macarthur’. Ipinangalan ang aklat na ito kay Douglas MacArthur, isang Amerikanong General na naging Field Marshal ng Philippine Army. Naging isang importanteng tao siya nung World War II sa laban sa Pilipinas at ng mga Hapon. Habang binabasa ko yung libro, hindi ko maintindihan ang kaugnayan ni MacArthur sa libro. Karamihan sa mga nagawa ni MacArthur ay tungkol sa Army pero ang libro ay tungkol sa mga magkakaibigan na maraming bisyo at kung paano nila hinaharap ang mga buhay nila. Sa kalagitnaan ng kuwento, binanggit ang sikat na linya ni MacArthur na “I shall return”. Ngunit, nung binanggit ang linya na ito, ang pinaguusapan nila ay tae na walang kaugnayan o kahulugan sa linya. Subalit, nung natapos ko na yung libro, naintindihan ko na kung bakit Macarthur ang pamagat nito. Ang isang tauhan na si Noel, siya ay galing sa maayos na pamilya na mayroong maayos ...

Si

“Si” ni Bob Ong Suring Basa ni Psyche Isang malaking bagay kung bakit gugustuhin mong basahin ang librong ito ay dahil sa pamagat nito – “Si”. Lubos nitong guguluhin ang iyong isip kung bakit ganito ang pamagat. Na sa bawat pahina at kabanata na lilipas ay aabangan mo kung ilalahad ba ang rason sa likod ng misteryosong pamagat na ito. Mapupuno ka ng tanong sa iyong isip na pilit mong hahanapan ng kasagutan, kung sino ba si “Si”? Kung bakit “Si”? Anong meron sa “Si” at marami pang iba. Ang mas nakagugulo pa ng aking isipan ay hanggang sa matapos ko ang libro ay hindi ko naunawaan kung bakit ito ang naging pamagat ng libro. Si Bob Ong ba mismo ang “Si” na tinutukoy sa pamagat? Si Victoria ba? O ibang karakter sa kwento? Sa makatuwid, masasabi kong matalino ang pagkagawa at pag-isip sa pamagat ng librong “Si” kung kaya’t naging epektibo ito sa layuning mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa. MAY AKDA Sa totoo lamang, matagal ko nang naririnig ang pangalang Bob Ong...