Ang Sagot ni Castellan Madelin

“Sa Iyong Karanasan, pantay-pantay ba ang tao sa mundo?”

Hindi. Para sa akin, hindi pantay-pantay ang mga tao sa mundo. Sa pagpasok palang sa mundo ay makikita mon a hindi pantay-pantay ang mga tao. Hindi lahat ng sanggol ay nabubuhay at tumatanda. Mayroong mga namamatay bago ipanganak, mayroong mga namamatay pagkatapos ipanganak, at mayroon ring mga namamatay habang ipinapanganak. Isa ako sa mga sanggol na muntikan ng mamatay habang ipinapanganak dahil habang nasa loob ako ng sinapupunan ng aking nanay, ay nasakal ako ng aking “umbilical chord”. Kahit hindi ko pa ito naunawaan noon, nabigyan na ako ng paalala na hindi pantay-pantay ang mga tao.
Lagi akong nabibigyan ng mga paalala na hindi ako pantay sa mga taong nasa paligid ko. Nung ako ay bata, gipit na gipit kami sa pera. Pero kahit papano, napaaral ako ng aking magulang sa pribadong paaralan. Doon pa lamang, nakita ko na na mayroong talagang mga taong sinuwerte sa buhay. Ako, ay masuwerte kaysa sa mga ibang bata na kilala ko na sa pampublikong paaralan lamang sila napaaral ng kanilang mga magulang. Mayroon naman akong kaklase na masmayaman sa akin dahil mayroon silang mga cellphone, mga mga baon na pera, at mga susyal na pagkain.

Naalala ko pa nga, palagi pa akong naiinggit sa kanila at nagtatampo sa aking mga magulang. Pero nauunawaan ko na ngayon na masuwerte rin pala ako. Ako ay may bahay, may nakakain kada araw, may buong pamilya, maraming kaibigan, may maayos at magandang edukasyon, at pera. Maraming tao sa  Pilipinas at sa mundo ay niisa wala nito. Kaya naiinis ako sa sarili ko nung bata ako kasi hindi na nga pantay-pantay ang mga tao sa mundo, nainggit pa ako sa mga nasa taas ko at hindi naging mapasalamat sa kung sa ano ang mayroon ako dahil mayroong mga tao sa ibaba ko na tanging tikim ng pagmamahal ng pamilya ay hindi naranasan.

Comments