Ang Sagot ni Mr. Yoso at Cassandra Belle

ANO ANG SASABIHIN MO KAY INVISIBLE MAN KAPAG NAKITA MO SIYA?


     Aming gusto talaga ang kapangyarihang maging invisible, kaya't kung kami ay bibigyan ng oportunidad na makita si Invisible Man, ay marami kaming gustong sabihin at tanungin sa kanya. Syempre, sa simula kami ay magugulat dahil sino ba namang makakakita sa taong invisible diba? Aming naisip din na kapag nakita namin siya ay magmumukha kaming mga loko-loko sa oaningin ng iba dahil hindi naman nila nakikita si Invisible Man.

     Ang una naming gagawin ay aming gugulatin siya. Hindi niya naman siguro alam na nakikita namin siya, at kapag ginulat namin siya ay matatakot siya dahil baka walang bisa na ang kanyang mga kapangyarihan. Panigurado kakabahan talaga iyon at malamang sobrang nakakataw ang kanyang reaksyon.

   Bukod sa pangloloko sa kanya, gusto rin naming tanuning siya tungkol sa kanyang kakaibang lakas. Sabi ni Andrea, gusto niya raw malamang paano siya naging invisible. Pareho namin gustong malaman kung siya pa ay nagsusuot ng makukulay na damit kapag siya ay invisible. Nagsasalamin kaya siya? Mayroon pa kaya siyang pakialam sa kanyang itsura? Pero sa lahat ng katanungan na mga ito, ang pinakagusto naming malaman ay kung ano ang kanyang ginagawa gamit ang kapangyarihang ito.

     Ito ang mga bagay na aming gustong gawin at sabihin kay Invisible Man. Sana ay makita naming siya.

Comments