Ang Sagot ni Montes
PIPILIIN MO BANG
MAKITA ANG IYONG KINABUKASAN?
Kung mabibigyan ako ng pagkakataon para makita
ang aking kinabukasan, ito’y tatanggihan ko. Siguro masayang malaman kung ano
mangyayari sa buhay ko, kung gaano ito kahaba, kung sino sa aking mga kaibigan
ay mananatili sa tabi ko, kung ano mangyayari sa mga magulang at kamag-anak ko,
kung sino ang makakatuluyan ko at kung magiging masaya ba ko. Ngunit, ano na
ang magiging silbi ng buhay kung alam ko na ang nilalaman nito?
Hindi ko gugustuhin na malaman
kung magiging matagumpay ako o hindi. Mas gugustuhin ko na mag-aral at trabajo
ng mabuti para mas madama ko ang saya ng magiging kalabasan ng pagsisikap ko sa
buhay.
Lahat ng nangyayari sa buhay,
bawa’t okasyon, laban, emosyon na pinagdaanan at bawa’t tao na nakilala, ito’y
naging aral at inspirasyoon para saakin. Ang mga sakit at pagdurusa na
naranasan ko ay naging aralin upang tumapang at lumago. Ang mga hindi
malilimutan na masasayang alala, nagdudulot ng kagalakan. Lahat ng ito ang
dahilan sa pagkatao ko ngayon. Kung makita ko man ang kinabukasan ko, hindi ko
na mararanasang yumabong bilang indibidwal.
Comments
Post a Comment