Ang Sagot ni Psyche at Castellan Madelin


“SAAN MO MAS PIPILIIN TUMIRA? SA JURASSIC PARK O SA PLANET OF THE APES?”


Saan mo nga ba pipiliin tumira? Sa Jurassic Park o sa Planet of the Apes? Iisa lamang ang iyong layunin: ang mabuhay. Parehong magulo, parehong delikado at parehong ang ugat ng problema ay ang mga malilikot na isip ng mga tao. Ngunit kung papipiliin, mas nanaisin naming tumira sa Jurassic Park kesa tumira sa Planet of the Apes.  Una sa lahat, bagamat mas malaki ang mga dinosaur, mas kaunti ang bilang ng mga ito kung ikukumpara sa dami ng bilang ng mga apes. Labimpito lamang ang bilang ng mga dinosaur na gumagapang sa mundo ng Jurassic Park, samantalang sa mundo ng mga Apes, daan-daan o libu-libo ang kailangang harapin at patayin ng mga tao sa digmaan na kanilang kinakaharap.

Pangalawa, hindi lahat ng dinosaur sa mundo ng Jurassic Park ay pumapatay at kumakain ng mga tao. Ang labindalawa rito ay mga uri ng dinosaur na dahon lamang ang kinakain at hindi karne. Ibig sabihin, lumalabas na lima lamang ang kailangang patayin na dinosaur.
 Pangatlo, kung ikukumpara ang mga dinosaur sa mundo ng Jurassic Park at ang mga apes sa mundo ng Planet of the Apes, hindi hamak na mas matalino ang mga apes kesa sa mga dinosaur. Kung tutuusin, mas matalino pa nga ang mga apes sa mga tao mismo. Kung kaya’t mas mahihirapan kaming patayin  ang mga apes kung iyon ang mundong pipiliin naming tirahan.

Sa makatutal, bagamat parehong nakakatakot ang dalawang mundong nabanggit; mas pipiliin na lamang namin ang tumira sa mundo ng Jurassic Park kesa sa mundo ng Planet of the Apes dahil mas mataas ang tiyansa na mabuhay kami sa mundo ng Jurassic Park kesa sa Planet of the Apes.


Comments