Lumpiang Shanghai ni Montes

"PUTAHENG NANAISIN MO"



Ang putahe na pinili ko ay Lumpiang Shanghai dahil maihahambing ko ang lumpiang shanghai sa aking sarili. Ang lumpiang shangahi ay malutong pero madaling masira. Sa unang pagkakita, ako ay tahimik dahil hindi pa ako komportable. Madalas, hindi ako makikipagusap, at nakikinig lang sa mga sinasabi ng iba. Ako ay isa ring tao na hindi mabilis magbukas ng saloobin kung kahit kanino man, kaya ko lang 'tong gawin sa aking pamilya at mga matatalik na kaibigan.
Kahit ako’y may matatatag na balot, minsan, bigla-bigla nalang ito’y natatanggal dahil ako ay sensitibo. Kahit kunting kibo o maliit na bagay, ako’y naaapektuhan.  
Ngunit, kapag natanggal na ang matigas na balot ng lumpiang shanghai, dahil sa pagsisikap at pagtitigaya, makikita na rin ang malambot na kalooban. Kapag gumaan na ang loob ko sa isang tao, unting-unti bumababa ang aking mga pader. Ako'y mas nagiging komportable at nasasabi ko sakanila ang aking mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Pati narin ang aking tunay na kulay. Ang tunay na pagkatao at personaliad ko. 
Sa labas, mukhang simple lang ang lumpiang shanghai pero kapag ito ay nabuksan na, ito’y nilalaman ng kayamanan. Iba- ibang klaseng gulay na napag halo para makakamit ang kakaiba, pero masarap na lasa.

Comments