Sinigang na Baboy ni Cassandra Belle
"PUTAHENG NANAISIN MO"
Ang napiling ko putahe ay ang
Sinigang na Baboy dahil ito ang paborito kong pagkain mula pagkabata. Nang una
kong natikman ang pagkaing ito, ako ay asim na asim ngunit ako rin ay sarap na
sarap lalo na kung bagong luto ito at maiulam sa mainit na kanin.
Noong bata pa ako, gusto ko lang ng
sabaw, pero nung natikman ko na ang laman na baboy sa sinigang, iniisip ko
“Bakit hindi ako kumain ng baboy noon?” May ibat ibang uri ng sinigang, tulad
nang sinigang na isda, baka, hipon at
iba pa, ngunit ang paborito ko sa lahat ay sinigang na baboy dahil masarap
magluto ang aming kasambahay nang putaheng ito lalo na para sa hapunan.
Minsan ay kumakain ako ng mga gulay
na sahog sa sinigang, ngunit gusto ko parin ng karne higit sa mga gulay. Ito
rin ang paboritong ulam nang aking Ate at madalas namin hinihiling na lutuin sa
bahay. Sadyang masarap ang sinigang lalo na kung may halong taba ang laman nang
baboy na sahog. Kahit na di gusto nang
iba nang taba ay masarap siya para sa akin.
Dahil sa ulam na ito ay mas madalas
kami nag kakasundo nang aking kapatid at aking buong pamilya. Lahat kami ay nawiwiling kumain n
Comments
Post a Comment