Sushi ni Castellan Madelin

“PUTAHENG NANAISIN MO”


Ang sushi ay isang putahe na ang sangkap ay bago, o sariwa. Naihambing ko ang sarili ko sa sushi dahil ako ay mahilig maghanap ng mga bago, o preskong bagay na gagawin. Ang ibig sabihin ko dito ay hindi ko kayang mayroon lang akong isang ginagawa. Kapag wala kasi akong ginagawa, o kaunti lang ang mga kailangan kong gawin, kapag hindi ako tulog ay hindi ako mapakali. Lagi ako naghahanap ng mga iba’t-ibang bagay  Isang halimbawa ay nung nakaraang lingo, nagbabasa ako ng mga e-book kagaya ng “13 Reasons Why”, pati “Game of Thrones”. Makalipas ang ilang araw, naghahanap nanaman ako ng iba pang gagawin. Ang ginawa ko ay sinubukan ko gumawa ng “digital art” sa laptop ko. Pagkatapos lamang ng ilang oras, naghanap nanaman ako ng iba pang gagawin. Pero kahit ganun pa man, hindi ko laging nagagawa ito. Parang sa minsan na hindi nakakagamit ng gaanong sariwang sangkap sa sushi, hindi rin ako laging nakakahanap ng mga bagong gagawin dahil ako ay nagigipit sa oras. Bukod pa roon, naihambing ko rin ang sarili ko sa sushi dahil kagaya ng paiba’t-ibang ayos at itsura ng sushi, “I like to mix up my life” sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang bagay.

Comments