Ang Sagot ni Mr. Yoso
"ANONG MAS NANAIISIN MO, MAKITA SIYANG MALUNGKOT SA PILING MO O MASAYA SA PILING NG IBA?
Sa Katanungan "anong mas nanaisin mo, makita siyang malungkot sa piling mo o masaya sa piling ng iba?" Ang aking pipiliin ay ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Alam ko, mayroong pagka-martyr ang desisyon na iyon, ngunit ayon pa rin ang aking pipiliin dahil sa tatalong bagay: tunay na pagmamahal, nabuong relasyon, at hihilom din ang sugat.
Simula sa aking kabataan, palagi ko nang aririning sa simbahan ang salitang "love is not selfish". Kaya, aking pinili na siya ay maging masaya sa piling ng iba, dahil kapag pinili ko ang kabaligtaran, iyon ay magiging simbolo ng paglabag ko sa mga katagang iyon. Ako ay magiging madamot kapag nangyari iyon, at kapag ako ay naging madamot, hindi na magiging tunay na pag-ibig iyon.
Dahil nga sa tunay ka siyang minamahal, aking pinapahalagahan ang naunang relasyon naming dalawa. Ang relasyon kung saan naglaan ng oras, kaya;t kahit sa pagiging magkaibigan lamang ay ako'y kontento na. Sa totoo lang, ako ay masaya na. Ayaw ko namang itapon na lang ang mga pinagsamahan namin, dahil ang mga iyon ay tumulong hubugin kung sino ako ngayon, kaya't kahit alaala na lang ang mga iyon, aking papahalagahan ang mga iyon.
Ang desisyon na iyon, kahit aking naipapalabas na walang sakit, ay syempre mayroon pa ring sakit. Ang sakit naman na iyon ay matututunan kong tiisin at alam ko ang oras ay onti-onting tatanggalin ang sakit at hinanakit, at korni mang pakinggan, ngiti niya lang sa piling niya ay magpapasaya na rin sa akin.
Itong tatlo ang mga dahilan kung bakit nanaisin kong siya ay maging masaya, kahit pa sa piling ng iba.
Comments
Post a Comment