Ang Sagot ni Montes at Mamasemamasamamakusa

SA KANTANG “PAA, TUHOD, BALIKAT, ULO”, SA IYONG PALAGAY, BAKIT NILAMPASAN ANG BEYWANG?

May isang batang anak mayaman, ang kanyang mga magulang ay nagmamayari ng pinaka sikat at malaki na baboyan sa buong lupa ng Pilipinas. Ang batang ito’y mahilig kumanta, kahit anong bagay, lugar o tao ay ginagawan niya ng kanta. At ang kanyang pinaka paborito na kanta, na naging inspirasyon niya sa kanyang pagiging panunulat ng kanta, ay ang kantang ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”. Nung siya’y sanggol pa lang, kapag malungkot, napapatigil agad ang kanyang mga luha kapag kinantahan siya ng kanyang inay ng ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”.

Noong dalawampu’t apat na araw sa buwan ng Setyembre nung taong dalawang libo at siyam, dumating ang isang karumaldumal, puno ng delubyo at napaka tindi at bangis na bagyo. At ang tawag sa bagyong ito ay ang nagiisang bagyong Ondoy. At doon, makikita ang batang ito, nakaupo sa bububong ng kanilang tahanan. Dahil sa kanyang lubos-lubos at umaapaw na lungkot, siya ay walang maisip na gawin kundi ang kanyang paboritong gawain sa kanyang buhay, ay ang pagkanta ng kanyang paboritong awit sa buong mundo. Mahina niyang kinakanta ang ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo’, habang tumutulo ang kanyang mga luha, kasabay ng pag patak ng ulan galling sa kalangitan. At sa sandaling saglit na yun, bigla niyang napagtanto na mayroong nawawala sa paborito niyang awit. Napaisip siya kung bakit nilampasan ang ‘Beywang’ sa awit na ‘to.

Hangga’t matapos ang pagpatak ng ulan at nung nawala na ang baha sakanilang lungsod, itong misteyro tungkol sa nalagpasan na beywang pa rin ang tumatakbo sa kanyang isipan. Bawa’t segundo at bawa’t minuto na lumilipas hindi siya mapakali. Nagulo na ang kanyang damdamin at isipan, na sa kanyang buong buhay, hindi niya na nakita ang kapintasan ng paborito niyang awit. Noon, akala niya’y ito’y perpekto at walang kamali-mali, pero siya pala ang mali.

Ang batang ito’y nasimula na mag stress-eating para kahit sa sandaling panahon, mawala ang kanyang pagaalala at pagkabalisa. Tuwing maaalala niya ang pagkakulang ng awit at tuwing nadarama niya ang paghihirap, kakain at kakain lang siya. At dahil may aring baboyan ang kanyang mga magulang, siya ay palaging nandoon, kumakain at kumakain at kumakain hangga’t siya’y mabusog.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at isang taon. Hindi pa rin maintindihan ng bata kung bakit nalampasan ang beywang. Unti nalang, nararamdaman niya na ang kabiguan at pagsuko. Sa haba ng kanyang nilakbay para mahanap ang tamang sagot, nawala na siya.  Ngunit, nung tumigil siya, nakita niya na. Sa pagharap niya sa salamin, nakita niya na bumilog at lumaki siya dahil sa stress eating niya, pero nakita niya na rin ang sagot sa tanong na muntikan ng sirain ang kanyang buhay. Siya’y napangiti, alam niya na kung bakit nilampasan ang beywang. ‘Paa’, parehas pa rin, dalawa at maliit. ‘Tuhod’, mabuto pa rin, parang noon lang. ‘Balikat’, yun, balikat pa rin. ‘Ulo’, tumaba ang kanyang mukha pero parehas pa rin ang laki ng ulo niya. Walang nangyari sa mga bahagi ng katawan na ‘to pero ang beywang niya, lumaki at lumapad.

Comments