Fish and Chips ni Don Militon



"PUTAHENG NANAISIN MO"


Ang Fish and Chips ay putaheng pinasikat ng Inglatera. Ito ay isdang isinawsaw sa batter at ipinirito. Sinasamahan ito ng prinitong patatas. Itinuturing itong ‘comfort food’ dahil kinakain ito tuwing hapon o gabi.


Kaya ipinili ko ang fish and chips dahil ito lang ang isdang kinakain ko at ito lang ang kaya kong timplahin nang tama. Inihahalintulad ko ang fish and chips sa sarili ko dahil ang breading ng isda, kapag ito ay prinito, ay magaspsang ang kalalabasan, tulad ng mukha ko. Ang patatas naman ay laging hinahanap sa isda, tulad na hinahanap ako tuwing may kailangan sila. Sinusulit ko ang pagkain nito, tulad ng sinusulit ko ang oras sa mga kasamahan ko tuwing may programa sa paaralan.


Ang mga sangkap na ginagamit sa fish and chips ay maihahalintulad ko rin sa aking sarili. Ang asin ay nagbibigay ng lasa sa putahe, tulad ng lahat ng gawain ko ay may lasa sa mga kasamahan ko. Ang paminta, chili powder atluyang dilaw ay nagbibigay  kulay at init sa isda, tulad ng laging umiinit ang ulo ko at lahat ng pinagagawa sa akin ay minsan, kakaiba. Ang patatas naman ay maihahalintulad sa ulo ko dahil ito ay pabilog.

Comments