Lechon ni Sann Lueez
PUTAHENG NANAISIN MO
Lechon ako dahil gagawin ko ang lahat matupad lang ang iyong ninanais, pero hindi ko kaagad ito bibigay kasi kailangan ng matagal na panahon, oras at pagod para ibigay ko sa iyo ito. Oras at pagod kasi hindi ko naman kaagad mabibigay sa’yo ito maaring matagal ngunit ito lang masasabi ko: walang masasayang na panahon sa paghihintay mo sa’kin.
Ang lechon ay isang putahe na walang natatapon at nakakain ang lahat. Kagaya nga ng sinabi ko, walang masasayang kung kailangan mo ang aking tulong at kung ako man ay kakainin mo, hanggang buto mauulam mo. Ang ibig sabihin ko riyan ay sulit ang iyong paghihintay sa’kin.
Ayos lang magmukhang tanga basta maibigay sa’yo ang lahat. Mukhang tanga ako dahil nasa isang tabi naghihintay ng tao na lalapit sa’kin. Kasi gusto ko laging may kasama ako at laging may nakakausap. Kasi nasanay ako sa atensyon na lagi kong nararamdaman dati. Gusto ko kasi lagging may kasama
Comments
Post a Comment