Pansit ni Mr. Yoso

“PUTAHENG NANAISIN MO”


Sa handaang Pilipino, marami tayong makikitang iba’t ibang putahe. Karamihan nito ay mga pagkain na nagsimula sa mga Pinoy, tulad ng adobo, sinigang, nilaga, at marami pang iba, ngunit may isang putahe na laging nandoon pero hindi naman ito nagsimula sa mga Pilipino kundi sa mga Intsik. Ang putaheng ito ay pansit. Aking mahahalintulad ang aking sarili sa pansit sa kadahilanang kahit ako ay kakaiba, bukod sa pagiging Intsik, ngunit ako ay marunong pa din makisama sa karamihan. Siguro ay nagtataka ka kung ulam ba talaga ang pansit, at para sagutin ang tanong na iyan, maari naman maging ulam ito. Sa usapang ito, makikita natin ang pakikipag-ugnay ng pansit, na inihantulad ko sa aking sarili.

Hindi lang naman dahil doon kaya’t naisipang kong ako ay isang pansit, ngunit dahil ang pansit rin ay laging nasa handaan, maging ang dahilan man nito ay selebrasyon ng kaarawan, pagkapanalo, pagtatapos ng pag-aaral, wala mang okasyon, o kahit sa libing. Masasabi kong ganoon din ako sa aking mga kaibigan, laging naroroon para sa kanila. Hindi lang sa masasayang mga pangyayari, ngunit sa malulungkot rin.

Ang panghuling rason naman kung bakit naiihalintulad ko ang aking sarili sa pansit ay dahil pinaniniwalaang pampahaba daw ng buhay ang pansit. Siguro ay nagtataka ka kung bakit iyon ang panghuling rason. Kung ang aking mga kaibigan ang tatanuningin, ako daw ay mayroong kakayahan magpahaba ng buhay dahil sa mga payong aking naibibigay. Nasa kanila pa rin naman ang desisyon kung susundin nila ang aking payo o sa metaporikong eksplanasyon, nasa tao pa rin ang desisyon kung kakain sila ng pansit.

   

                                                                                                             

Comments