Sinigang na Hipon ni Psyche





"PUTAHENG NANAISIN MO"





Sinigang na hipon ang isa sa mga pagkaing ipinagmamalaki ng mga Pinoy. Ang sinigang na hipon ay ang tipo ng ulam na kahit ano mang putahe ang nakahain, ito ay hahanap-hanapin mo pa rin. Ika nga nila ito ay “comforting food”. Maihahambing ko ang aking sarili sa Sinigang na Hipon dahil, ang aking katangian ay hindi basta-basta mapapalitan. Bilang isang anak, kapatid o maging kaibigan, ako ay hindi kailanman mapapalitan at hahanap-hanapin ng lahat. Ako ang tipo ng tao na mahilig magpasaya ng mga tao sa paligid, makakaramay sa hirap o ginhawa at maaari mong takbuhan sa lahat ng pagkakataon. Tulad ng sinigang na hipon, mapapangiti ka nito sa sarap, at mapapagaan ang iyong kalooban ano man ang iyong pinagdadaanan. Ang sinigang na hipon ay mas mahal kung ikukumpara sa sinigang na baboy. Maihahambing ko ito sa aking sarili dahil, ang aking halaga ay hindi basta-basta. Maliban pa rito, ang sinigang ay pagkaing pinoy at gaya nito, ipinagmamalaki ko na ako ay isang pinoy. Ang sinigang na hipon ay binubuo ng iba’t-ibang sangkap, mayroon itong kamatis, sibuyas, sitaw, okra, kangkong, sampalok at siling haba. Tulad ng isang sinigang, ako ay may iba’t-ibang pag-uugali at natatanging katangian na nagbubuo sa aking pagkatao.  



Comments