SA KANTANG “PAA, TUHOD, BALIKAT, ULO”, SA IYONG PALAGAY, BAKIT NILAMPASAN ANG BEYWANG? May isang batang anak mayaman, ang kanyang mga magulang ay nagmamayari ng pinaka sikat at malaki na baboyan sa buong lupa ng Pilipinas. Ang batang ito’y mahilig kumanta, kahit anong bagay, lugar o tao ay ginagawan niya ng kanta. At ang kanyang pinaka paborito na kanta, na naging inspirasyon niya sa kanyang pagiging panunulat ng kanta, ay ang kantang ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”. Nung siya’y sanggol pa lang, kapag malungkot, napapatigil agad ang kanyang mga luha kapag kinantahan siya ng kanyang inay ng ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”. Noong dalawampu’t apat na araw sa buwan ng Setyembre nung taong dalawang libo at siyam, dumating ang isang karumaldumal, puno ng delubyo at napaka tindi at bangis na bagyo. At ang tawag sa bagyong ito ay ang nagiisang bagyong Ondoy. At doon, makikita ang batang ito, nakaupo sa bububong ng kanilang tahanan. Dahil sa kanyang lubos-lubos at umaapaw na lungkot, siya ay wal...